Friday, May 15, 2015

Transcendence

             
"Possibilities are more important than actualities" 

              Ang pagiging among the crowd ay isa sa mga bagay na ating hinahangad lalo na kapag teenager palang tayo. Gusto kasi nating maging ‘in,’ kung baga may nararamdaman tayong sense of belongingness kapag tayo ay sumabay sa uso kahit na kadalasan ay hindi naman natin ‘trip’ ang mga bagay na ito na nauuso at pinipilit lang natin itong gustuhin upang tayo ay matanggap ng society.

                Minsan napagiisip-isip ko kung bakit malaki ang epekto ng pagiging ‘in’ sa atin.  Bakit nga ba natin kinukulong ang sarili natin sa isang crowd sa halip na pililitin nating maging iba sa kanila? Bakit ba madalas tayong natatakot na maging iba? Bakit ba madalas kapag sinabi nating kakaiba ang isa ay negatibo agad ito sa ating paningin?

                May isa akong kantang napakinggan at sabi dito, “I wish that could be like the cool kids, ‘coz all the cool kids they seem to fit in.” Di ko maiwasang maitanong sa sarili ko, ano nga ba ang batayan ng pagiging cool at gustong-gusto nating maging ito? Naisip ko ang sarili ko nung high school, lalo na nung forth year ako at naranasan kong mawalan ng grupo, mawalan ng barkada, araw-araw kapag recess at lunch ay mag-isa samantalang yung iba, masaya kasama ang “Circle of Friends” nila. Hindi ko mapagkakaila na minsan ay sinabi ko rin sa sarili ko na, “I wish that I could be like the cool kids. I just want to fit in.” Pero ngayon na college na ako at binabalikan ko ang mga moments na ito ay naiisip ko kung bakit nga ba isang malaking dilemma para sa akin ang hind imaging parte ng isang grupo gayung ang grupong ito ay kaya lang akong iwan basta-basta? Bakit nga ba madalas nating sinasabi na, “Sana ako nalang siya?” “Ano kayang feeling na maging siya?” “Gusto kong maging tulad niya!”, gayung pwede naman tayong maging kung sino talaga tayo, maging iba sa iba at maging masaya sa pagiging kung sino talaga tayo? Bakit madalas ay hindi natin naiisip na ang pagiging iba natin ang talagang nagpapahayag kung sino tayo?

                Sabi nga nila, we are created unique and different from one another. - Pero bakit tayo kumakalas sa ideyang ito at nababagabag tayo kapag sinabi sa atin na, “Alam mo, kakaiba ka. Weird ka!” Ano bang mayroon sa pagiging weird at na-ooffend tayo kapag sinabihan tayo ng weird?

                Tayong mga tao ay may iba’t ibang posibilidad. Hindi nasusukat sa ating kasalukuyan at nakaraan ang kung sino tayo talaga.  Maaaring ang ating kasalukuyan at nakaraan ang mga naghahanda sa atin sa mga posibilidad na paparating sa hinaharap. Maaaring yung taong pinagtatawanan natin at tinatawag ng ‘weird,’ ay ang taong hihigit pala kay Steve Jobs at makakaimbento ng bagong teknolohiya o ang magiging susunod na president Pilipinas na babago sa buhay ng maraming Pilipino.

                Maraming posibilidad na maaaring mangyari sa atin pero hindi natin alam kung ano ang mga ito at kung kalian ito pwedeng mangyari. Ang pagtingin natin sa ating hinaharap ang isa sa mga bagay na maaaring magdala sa atin sa mga possibilidad na ito. Madalas kapag ating inaantabayanan ang hinaharap, mas napapalapit tayo sa mga posibilidad. Mas nagkakaroon ng kahulugan ang ating buhay.

                

No comments:

Post a Comment