Ang sliding door ay isang klase ng pintuan na bumubukas ng pahalang sa
pamamagitan ng pagpapadulas ng mismong
pinto sa riles kung saan ito naka-puwesto. Kadalasan ang sliding door ay clear o gawa sa salamin.
Sa
pamamagitan ng sliding door na clear ay
madali nating nakikita ang mga bagay na nasa kabilang kuwarto. Kapag ito ay
nakabukas, maari itong maging daan upang pasukin pa ang ibang kuwarto
samantala, kapag ito ay nakasara ito ay isang harang na humahadlang upang
makapasok tayo sa iba pang kuwarto.
Ang
sliding door ay maaring maging
namamagitan hindi lamang sa mga kuwarto sa isang bahay kundi, maaring rin itong
ihalintulad sa mga ‘namamagitan’ sa atin sa ating buhay.
Tulad
ng sabi ni Gabriel Marcel na ang katawan ay maaring gamitin bilang
namamagitan.-Namamagitan sa paraang nagkokonekta(tulay) o namamagitan sa
paraang humahadlang (sagabal), sa ating buhay ay mayroon tayong mga tinatawag
na sliding door o mga factor na
makaapekto sa atin sa pamamagitan ng pagiging tulay o sagabal sa pagkamit natin
ng kung anuman gusto nating makamit.
Maaring
ang sliding door ay maihalintulad sa opportunities
sa ating buhay. Ito ay sliding door na nakabukas kapag ating pinipili na subukan
ang mga bagay-bagay kahit na kadalasan ay wala tayong kasiguraduhan sa maaari
pang mangyari sa susunod. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng sliding door ng ating buhay, nararanasan natin ang buhay. Samatala,
ito ay nakasara kapag pinipili nating iwasan ang mga bagay dahil tayo ay
natatakot sa uncertainty ng buhay at dahil dito, hinahadlangan natin
ang ating sarili na danasin ang buhay.
Tayo ay may sariling desisyon sa ating buhay.
Nasa sa atin kung ating pipiliin na danasin ang mga nasa paligid natin.
Nakikita natin ang mga nangyayari sa ating paligid at nasa sa atin kung
pipiliin natin na manatili sa ating comfort
zone at pagmamasdan na lamang ang pangyayari o magtetake ng risks at aaksyunan ang mga bagay-bagay.
Kadalasan
ay pinipili nating makulong sa likod ng nakasarang sliding door imbis na buksan
ito at pasukin ang ibang mundo upang maranasan ang dapat nating maranasan.
Marahil ay may iba’t ibang factors na
nakakaapekto sa ating desisyon sa buhay pero nasa sa atin parin kung paano tayo
magpapaapekto sa mga factors na ito.
Sa huli, tayo parin ang makapagsasabi kung papaano natin ginamit ang mga sliding door o mga namamagitan sa buhay
natin.
No comments:
Post a Comment