Friday, May 15, 2015

Bukod Pa Sa Salita: Natutunan ko Mula sa "Sapagkat Ang Pilosopiya ay Ginagawa" ni Roque Ferriols

Sa pagbabasa ng “Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa” ni  Roque Ferriols,tumatak sa isip ko na hindi sapat na marinig o makita lamang ang dapat maunawaan. Importante ang praktikal na parte ng pag-unawa. Importante na ating danasin ang dapat nating maunawaan sapagkat sa pamamagitan  nito ay mas nadarama natin ang mensahe ng dapat nating maunawaan at mas namumulat tayo ukol sa mga bagay-bagay. Mas nabibigyang halaga ang mga bagay na ating natutunan kung ating i-aaplika ito sa tunay na buhay.

Isang halimbawa nito ay kapag nasa klase ako, nakikinig at nag-aaral. Para saan nga ba ako nag-aaral? Para sa grades nga lang ba o para mamulat, matuto at baling araw ay gamitin ang aking natutunan. Kadalasan ay mas nabibigyang halaga ang grado na nakukuha kaysa sa aral na napupulot sa pamamagitan ng pakikinig at pag-upo sa klase. Kung grado lang ang basihan ng pakikinig ko, kadalasan pagkatapos ng taon at pagkabigay ng class card ay nalilimutan ko na ang mga inaral ko. Dahil dito, nababawasan ang halaga  ng pagpasok ko sa paaralan.


Para sa akin, ang karanasan ay importante sa ating buhay. Sa pamamagitan ng karanasan ay natututo tayo. Ang karanasan kadalasan ang nagpapatatag sa atin bilang tao. Kahit ang mga ginagawa natin ay hindi parating tama, sa paggawa natin ng mali nararanasan natin ang matumba at humarap sa mga pagsubok na dulot ng ating pagkakamali, sa pamamagitan nito natutunan natin na sa susunod, gagawa na tayo ng tama. Mas nabibigyan natin ng importansya ang paggawa ng tama dahil sa karanasan natin ng paggawa ng mali. 

No comments:

Post a Comment