Sa pagbabasa ng
“Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa” ni
Roque Ferriols,tumatak sa isip ko na hindi sapat na marinig o makita
lamang ang dapat maunawaan. Importante ang praktikal na parte ng pag-unawa.
Importante na ating danasin ang dapat nating maunawaan sapagkat sa
pamamagitan nito ay mas nadarama natin
ang mensahe ng dapat nating maunawaan at mas namumulat tayo ukol sa mga
bagay-bagay. Mas nabibigyang halaga ang mga bagay na ating natutunan kung ating
i-aaplika ito sa tunay na buhay.
Isang halimbawa
nito ay kapag nasa klase ako, nakikinig at nag-aaral. Para saan nga ba ako
nag-aaral? Para sa grades nga lang ba
o para mamulat, matuto at baling araw ay gamitin ang aking natutunan. Kadalasan
ay mas nabibigyang halaga ang grado na nakukuha kaysa sa aral na napupulot sa
pamamagitan ng pakikinig at pag-upo sa klase. Kung grado lang ang basihan ng
pakikinig ko, kadalasan pagkatapos ng taon at pagkabigay ng class card ay nalilimutan ko na ang mga
inaral ko. Dahil dito, nababawasan ang halaga
ng pagpasok ko sa paaralan.
Para sa akin,
ang karanasan ay importante sa ating buhay. Sa pamamagitan ng karanasan ay
natututo tayo. Ang karanasan kadalasan ang nagpapatatag sa atin bilang tao.
Kahit ang mga ginagawa natin ay hindi parating tama, sa paggawa natin ng mali
nararanasan natin ang matumba at humarap sa mga pagsubok na dulot ng ating
pagkakamali, sa pamamagitan nito natutunan natin na sa susunod, gagawa na tayo
ng tama. Mas nabibigyan natin ng importansya ang paggawa ng tama dahil sa
karanasan natin ng paggawa ng mali.
No comments:
Post a Comment